Mabuting
Balita: Marcos 2:18-22
18 Nag-aayuno ang mga alagad ni Juan at ang mga Pariseo. Kaya may
lumapit sa kanya at nagtanong: “May araw ng ayuno ang mga alagad ni Juan at
ang mga alagad ng mga Pariseo, at wala ba namang pag-aayuno ang iyong mga
alagad?”
19 Sinagot sila ni Jesus: “Puwede bang mag-ayuno ang mga abay sa
kasalan kapag kasama pa nila ang nobyo? 20 Darating ang panahon na kukunin
sa kanila ang nobyo; sa araw na iyon sila mag-aayuno.
21 Walang nagtatagpi ng piraso ng bagong tela sa lumang damit.
Kung gagawin mo ito, hihilahin ng tagpi ang damit, ng bago ang luma at lalo
pang lalaki ang punit. 22 At hindi ka rin naman maglalagay ng bagong alak
sa mga lumang sisidlan. Kung gagawin mo ito, papuputukin ng alak ang mga
sisidlan at masisira ang alak pati na ang mga sisidlan. Sa bagong sisidlan ang
bagong alak!”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment