Wednesday, January 08, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo January 12, Ang Pagbibinyag sa Panginoon: Mateo 3:13-17



Mabuting Balita: Mateo 3:13-17
13 Dumating noon si Jesus mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa Ilog Jordan para mag­pabinyag. 14 Pero tumanggi si Juan at sinabi: “Ako ang dapat na mag­pabinyag sa iyo, bakit ikaw ang luma­­pit sa akin?”

15 Ngunit sumagot sa kanya si Jesus: “Ha­yaan mo. Simulan natin sa simula.” Kaya su­mang-ayon si Juan. 16 Matapos mabinyagan, umahon si Jesus mula sa tubig. At agad na na­buk­san ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos na buma­babang parang kalapati at papunta sa kanya.  17 Narinig kasabay nito ang boses mula sa langit na nagsabi: “Ito ang aking Anak, ang Minamahal, siya ang aking Hinirang.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


No comments: