Sunday, January 19, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Linggo January 19, Kapistahan ng Sto. Nino: Mateo 18:1-5, 10


Mabuting Balita: Mateo 18:1-5, 10
1 Lumapit kay Jesus ang mga alagad at tina­nong nila siya: “Sino ang mas una sa kaharian ng Langit?” 2 Tinawag ni Jesus ang isang maliit na bata at ipinagitna sa kanila, 3 at sinabi: “Sinasabi ko sa inyo na hang­gang hindi kayo nagbabago at nagi­ging katulad ng maliliit na bata hindi kayo makapapasok sa kaharian ng Langit. 4 Ang nag­papaka­baba gaya ng maliit na batang ito, siya ang pinaka­malaki sa kaharian ng Langit. 5 At ang sinumang tumanggap sa batang ito dahil sa aking pangalan ay tumatang­gap sa akin.

10 Huwag sana ninyong hamakin ang isa sa maliliit na ito; talagang sinasabi ko sa inyo na laging nasa harap ng aking Ama sa Langit ang kanilang mga anghel sa Langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: