Mabuting Balita: Juan 1:29-34
29 Kinabukasan, nakita I Juan
Bautista si Jesus na papalapit sa kanya kaya sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng
Diyos, sa kanya napapawi ang sala ng mundo. 30 Ito ang tinutukoy ko nang
sinabi kong ‘Isang lalaki and kasunod kong dumarating, nauna na siya sa akin
pagkat bago ako’y siya na.’ 31 Wala nga akong alam sa kanya pero upang
mahayag siya sa Israel ang dahilan kaya dumating akong nagbibinyag sa tubig.”
32 At nagpatunay si Juan sa pagsasabing
“Nakita ko ang Espiritu na bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at
namalagi sa kanya. 33 Wala nga akong alam sa kanya pero ang nagpadala sa
akin na magbinyag sa tubig ang siya ring nagsabi sa akin: ‘Kung kanino mo
makitang bumababa ang Espiritu at namamalagi sa kanya, ito ang magbibinyag sa
Espiritu Santo!” 34 Nakita ko at pinatutunayan ko na siya nga ang hinirang
Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment