Mabuting
Balita: Marcos 4: 4:21-25
21 Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Dumarating ba ang ilaw para takpan
ng salop o para ilagay sa ilalim ng higaan? Hindi! Inilalagay ito sa patungan!
22 Walang nalilihim na di nabubunyag at walang tinatakpan na di
malalantad. 23 Makinig ang may tainga!”
24 At sinabi niya sa kanila: “Isip-isipin ninyo ang inyong
naririnig. Sa sukatang ginamit ninyo, susukatin ang para sa inyo at higit pa
ang ibibigay sa inyo. 25 Bibigyan pa nga ang meron na ngunit ang wala ay
aagawain pa ng anumang nasa kanya.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment