Tuesday, January 21, 2020

Ang Mabuting Balita para sa Huwebes Enero 23, sa Ikalawang Linggo ng Taon: Marcos 3:7-12


Mabuting Balita: Marcos 3:7-12
Kaya lumayo si Jesus na kasama ang kanyang mga alagad papunta sa dagat. Maraming taga-Galilea ang su­mu­­­nod sa kanya. Mayroon din namang mga taong ga­ling sa Judea 8 at Jerusalem, at sa Idumea at sa kabilang ibayo ng Jordan, at sa Tiro at Sidon. Maraming-marami ang nagpunta sa kanya nang mabalitaan nila ang lahat niyang ginagawa.

9 Kaya tinagubilinan niya ang kanyang mga alagad na ihanda ang isang bangka para sa kanya dahil maraming tao, at baka nila siya maipit. 10 Marami na siyang pinaga­ling kaya pilit siyang inaabot ng lahat ng may karamdaman para mahipo siya. 11 Sinu­sugod siya ng mga inaalihan ng maruruming espiritu pagkakita sa kanya at pasi­gaw nilang si­na­sabi: “Ikaw ang Anak ng Diyos.” 12 Ngunit tinagubilinan niya silang huwag siyang ibunyag.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: