Mabuting
Balita: Mateo 4:12-17, 23-25
12 Nang marinig ni Jesus na dinakip si Juan, lumayo siya
pa-Galilea. 13 Hindi siya tumigil sa Nazaret, kundi sa Capernaum
nanirahan, sa may baybayin ng lawa ng Galilea, sa teritoryo ng Zabulon at
Neftali. 14 Kaya natupad ang salita ni Propeta Isaias: 15 “Makinig
kayo, mga lupain ng Zabulon at Neftali, mga daang patungo sa Dagat, kabilang
ibayo ng Jordan; pa-kinggan ako, Galileang lupain ng mga pagano.
16 Nakakita na ng malaking liwanag ang mga lugmok sa kadiliman.
Sumikat na ang liwanag sa mga nasa anino ng kamatayan.” 17 At
magmula noon, sinimulang ipahayag ni Jesus ang kanyang mensahe:
“Magbagong-buhay; lumapit na nga ang Kaharian ng Langit.” 23 Nagsimulang
maglibot si Jesus sa buong Galilea. Nagturo siya sa kanilang mga sinagoga,
ipinahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian at pinagaling ang kung anu-anong
klase ng sakit at kapansanan ng mga tao.
24 Lumaganap sa buong Siria ang balita tungkol sa kanya. Kaya
dinala sa kanya ang mga may karamdaman, ang lahat ng naghihirap dahil sa
sakit, ang mga inaalihan ng demonyo, ang mga nasisiraan ng bait, ang mga paralitiko,
at pinagaling niya silang lahat. 25 Sinundan siya ng maraming taong
galing sa Galilea, sa Sampung Lunsod, sa Jerusalem, sa Judea at sa kabilang
ibayo ng Jordan.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment