Mabuting
Balita: Marcos 1:40-45
40 Lumapit kay Jesus ang isang mayketong at nakiusap sa kanya:
“Kung gusto mo, mapalilinis mo ako.” 41 Nahabag si Jesus sa kanya,
iniunat ang kanyang kamay, hinipo siya at sinabi: “Gusto ko, luminis ka!” 42 Nang
oras ding iyon, iniwan ang lalaki ng kanyang ketong at luminis siya.
43 Ngunit mahigpit siyang pinagbilinan ni Jesus sa kanyang
pag-alis, 44 sinabi niya: “Mag-ingat ka, huwag mo itong sabihin
kaninuman, kundi pumunta ka sa pari para masuri ka niya at maialay alang-alang
sa pagkalinis sa iyo ang handog na iniutos ni Moises upang magkaroon sila ng
patunay.”
45 Ngunit pagkaalis ng tao, sinimulan niyang ipahayag ito kahit
saan at ipamalita ang pangyayaring ito. Dahil dito, hindi na lantarang makapasok
sa bayan si Jesus kundi nanatili siya sa labas, sa mga ilang na lugar. Ngunit
may dumarating pa rin sa kanya na kung saan-saan galing.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment