Mabuting
Balita: Marcos 4:26-34
• 26 Sinabi ni Jesus sa mga tao: “Maihahambing ang kaharian ng Diyos sa
paghahasik ng isang tao ng buto sa lupa. 27 Tulog man siya o gising, sa
gabi o araw, sumisibol ang binhi at lumalago nang hindi niya namamalayan.
28 Nagbubunga ang lupa sa ganang sarili nito: una’y ang usbong, saka ang
uhay at ang butil na humihitik sa uhay. 29 At kapag nagbunga na ito, agad
siyang magpapadala ng karit sapagkat sumapit na ang anihan.”
• 30 At sinabi niya: “Sa ano natin maikukumpara ang kaharian
ng Diyos? Sa anong talinhaga natin ito maipakikilala? 31 Natutulad ito sa
paghahasik ng buto ng mustasa na pinakamaliit sa mga binhing inihahasik sa
lupa. 32 Ngunit pagkahasik nito, tumataas ito at lumalaki na higit pa
sa lahat ng gulay at nagsasanga nang malaki hanggang sumilong sa kanyang
lilim ang mga ibon ng langit.”
33 Itinuro niya sa kanila ang lahat ng ito sa pamamagitan ng mga
talinhagang gaya nito ayon sa kakayahan ng kanilang isipan. 34 Hindi siya
nagturo sa kanila nang hindi gumagamit ng mga talinhaga. Ngunit nilinaw
niya ang lahat sa kanyang mga alagad nang sila-sila na lamang. Pinahupa ni Jesus ang bagyo
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment