Mabuting
Balita: Juan 1:35-42
35 Kinabukasan, naroon na naman si Juan at dalawa sa kanyang mga
alagad. 36 Pagdaan ni Jesus, tinitigan niya ito at sinabi: “Hayan ang
Kordero ng Diyos.” 37 At narinig siyang nagsasalita ng dalawang alagad
kaya sinundan nila si Jesus. 38 Lumingon si Jesus at nakita niya silang
sumusunod, at sinabi niya sa kanila: “Ano’ng hinahanap n’yo?” Sumagot naman
sila sa kanya, “Rabbi (na kung isasalin ay Guro), saan ka namamalagi?” 39 At
sinabi niya sa kanila: “Halikayo at inyong makikita.” At pumaroon sila at
nakita kung saan siya namamalagi, at maghapon silang namamalagi sa kanya.
Magiikapat ng hapon ang oras noon.
40 Si Andres na kapatid ni Simon Pedro and isa sa dalawang sumunod
sa kanya pagkarinig kay Juan. 41 Una niyang natagpuan ang kapatid niyang
si Simon at sinabi sa kanya: “Natagpuan namin ang Mesiyas (na kung isasalin ay
Pinahiran).” 42 Inihatid niya siya kay Jesus. Tinitigan siya ni Jesus at
sinabi nito: “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Tatawagin kang Kefas (na kung
isasalin ay Pedro).”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment