Mabuting
Balita: Juan 1:1-18
1 Sa simula’y naroroon na nga ang Wikang Salita, at naroroong
kaharap ng Diyos ang Salita,at Diyos ang Salita. 2 Naroroon na nga siyang
kaharap ng Diyos sa simula.
3 Sa pamamagitan niya nayari tanang mga bagay, at hiwalay sa
kanya’y walang anumang nayari.
Ang niyari 4 ay sa kanya nagkabuhay, at ang buhay ang liwanag para
sa mga tao. 5 Nagningning sa karimlan ang liwanag at di ito nasugpo ng
karimlan.
6 May taong sugo ang Diyos –Juan ang kanyang pangalan. 7 Dumating
siya para sa pagpapatunay, para magpatunay tungkol sa Liwanag, upang
makapanalig ang lahat sa pamamagitan niya. 8 Hindi siya mismo ang
Liwanag, kundi para magpatunay tungkol sa Liwanag.
9 Pagkat paparating noon sa mundo ang Liwanag na totoo na siyang nagliliwanag
sa bawat tao. 10 Nasa mundo na nga siya, ang mundong nayari sa pamamagitan
niya, at di naman siya kinilala ng mundo. 11 Sa sariling kanya siya
dumating at hindi siya tinanggap ng mga kanya. 12 Ngunit sa lahat ng
tumanggap sa kanya sa pananalig sa kanyang Pangalan, binigyang-kakayahan nga
niya sila na maging mga anak ng Diyos. 13 Ipinanganak nga sila, hindi mula
sa dugo, ni mula sa kagustuhan ng laman, ni sa kagustuhan ng lalaki kundi mula
sa Diyos.
14 At naging laman ang Wikang-Salita, at itinayo ang kanyang Tolda
sa atin, at nakita natin ang kanyang Luwalhati, Luwalhating mula sa Ama na
bagay sa bugtong na Anak, lipos ng Kagandahang-loob at Katotohanan. 15 Nagpapatunay
sa kanya si Juan at isinisigaw: “Siya ang sinabi kong ‘Nauna na sa akin ang
dumating na kasunod ko, pagkat bago ako’y siya na’.” 16 Mula sa kanyang
kapuspusan nga tumanggap tayong lahat – oo, abut-abot na kagandahang-loob.
17 Sa pamamagitan ni Moises ibinigay ang Batas, sa pamamagitan
naman ni Jesucristo dumating ang
Kagandahang-loob at Katotohanan. 18 Kailanma’y walang sinumang nakakita
sa Diyos; ang Diyos na Anak na bugtong siyang nasa kandungan ng Ama – ang
nagpahayag sa kanya.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment