Mabuting
Balita: Lucas 1:67-79
67 Napuspos ng Espiritu Santo ang ama niyang si Zacarias at nagpropesiya
nang ganito: 68 “Purihin ang
Panginoon, ang Diyos ng Israel, dahil nilingap niya at tinubos ang kanyang
bayan. 69 Mula sa sambahayan ni David na kanyang lingkod, ibinangon niya
ang magliligtas sa atin, 70 ayon sa ipinangako niya noong una sa
pamamagitan ng mga banal niyang propeta: 71 kaligtasan mula sa ating mga
kaaway at sa kamay ng mga namumuhi sa atin.
72 Nagpakita siya ng awa sa ating mga ninuno at inalaala ang banal
niyang tipan, 73 ang pangakong sinumpaan niya sa ating amang si Abraham 74 na
ililigtas tayo sa kamay ng ating mga kaaway, upang walang takot natin siyang
mapaglingkuran, 75 nang may kabanalan at katarungan sa harap niya sa
buong buhay natin.
76 At ikaw naman na munti pang anak ay tatawaging propeta ng
Kataas-taasan. Mangunguna ka nga sa Panginoon para ihanda ang kanyang daan. 77 Ituturo
mo ang kaligtasan sa kanyang bayan sa pagpapatawad niya sa kanilang mga sala. 78 Ito
ang gagawin ng maawaain nating Diyos sa pagpapasikat niya sa atin ng araw na
galing sa kaitaasan 79 upang liwanagan ang mga nananatili sa kadiliman at
sa lilim ng kamatayan, at akayin ang ating mga yapak sa daan ng kapayapaan.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment