Mabuting
Balita: Lucas 1:57-66
57 Nang sumapit na ang panganganak ni Elizabeth, isang anak na
lalaki ang isinilang niya. 58 Narinig ng mga kapitbahay at mga kamag-anakan
niya kung gaano nagdalang-awa sa kanya ang Panginoon kayat nakigalak sila sa
kanya.
59 Nang ikawalong araw na, dumating sila para tuliin ang sanggol
at pangangalanan sana nila itong Zacarias gaya ng kanyang ama. 60 Sumagot
naman ang kanyang ina: “Hindi, tatawagin siyang Juan.” 61 Pero sinabi nila
sa kanya: “Wala ka namang kamag-anak na may ganyang pangalan.” 62 Kaya
sumenyas sila sa ama ng sanggol kung ano ang gusto niyang itawag dito. 63 Humingi
siya ng isang sulatan, at sa pagtataka ng lahat ay kanyang isinulat: “Juan ang
pangalan niya.” 64 Noon di’y nabuksan ang kanyang bibig at nakalag ang
kanyang dila. Nakapagsalita siya at nagpuri sa Diyos.
65 Kaya namayani ang banal na pagkatakot sa kanilang mga
kapitbahay. At naging usap-usapan ang lahat ng pangyayaring ito sa buong
mataas na lupain ng Juda. 66 Nag-isip-isip ang mga nakarinig at
nagtanungan: “Ano na kaya ang mangyayari sa sanggol na ito?” Dahil sumasakanya
ngang talaga ang kamay ng Panginoon.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment