Friday, December 13, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Lunes Disyembre 16, Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Mateo 21:23-27


Mabuting Balita: Mateo 21:23-27
23 Pagpasok ni Jesus sa Templo, luma­pit sa kanya ang mga punong-pari, mga guro ng Batas at mga Matatanda ng mga Judio, at nagtanong: “Ano ang karapa­tan mong gawin ang mga ito? Sino ang nagtalaga sa iyo?” 24 Sinagot sila ni Jesus: “Tatanungin ko rin kayo ng isang tanong. At kung may sagot kayo, sasagutin ko ka­yo kung sino ang nagtalaga sa akin para sa mga ito.

25 Sa­an galing ang pagbi­binyag ni Juan, sa Diyos ba o sa tao?” At nag-isip-isip sila: “Kung isasagot nating galing sa Diyos, sasabihin niya: ‘Bakit di kayo naniwala sa kanya?’ 26 At kung sasabihin naman nating ‘Galing lamang sa tao ang pagbibinyag ni Juan,’ dapat tayong matakot sa bayan sapagkat akala nila’y tunay na propeta si Juan.” 27 Kaya sinabi nila kay Jesus: “Hindi namin alam.” At sinabi sa kanila ni Jesus: “Hindi ko rin sasabihin sa inyo kung sino ang nagtalaga sa akin na gumawa ng mga ito.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: