Mabuting Balita: Mateo 1:18-24
18 Ganito ipinanganak si
Jesucristo. Ipinagkasundo na kay Jose ang kanyang inang si Maria pero bago
sila nagsama bilang mag-asawa, nagdadalantao na siya gawa ng Espiritu Santo. 19 Kaya
binalak ni Jose na hiwalayan nang lihim ang kanyang asawa. Matuwid nga siya at
ayaw niya itong mapahiya.
20 Habang iniisip-isip niya ito,
napakita sa kanya sa panaginip ang Anghel ng Panginoon at sinabi: “Jose, anak ni
David, huwag kang matakot na tanggapin si Maria bilang iyong asawa. Gawa ng
Espiritu Santo kaya siya naglihi, 21 at manganganak siya ng isang
sanggol na lalaki, na pangangalanan mong Jesus sapagkat siya ang
magliligtas sa kanyang sambayanan mula sa kanilang mga kasalanan.”
22 Nangyari ang lahat ng ito para
matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng Propeta: 23 “Maglilihi
ang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki at tatawagin nila siyang
Emmanuel na ibig sabihi’y Nasa-atin-ang-Diyos.” 24 Kaya pagkagising ni
Jose, ginawa niya ang sinabi ng Anghel ng Panginoon at tinanggap niya ang
kanyang asawa.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment