Wednesday, December 11, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo December 15, Ikatlong Linggo ng Adbiyento: Mateo 11:2-11


Mabuting Balita: Mateo 11:2-11
2 Nang nasa kulungan si Juan Bautista, nabalitaan niya ang mga ginagawa ni Kristo kaya pinapunta niya ang kanyang mga alagad 3 para tanungin siya: “Ikaw ba ang darating o dapat bang maghintay pa kami ng iba?”

4 Sumagot si Jesus sa kanila: “Bu­ma­­lik kayo at iba­lita kay Juan ang inyong nari­nig at nakita: 5 Na­kakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, lumilinis ang mga mayketong, nakaka­rinig ang mga bingi, nagigising ang mga patay at may mabuting balitang ipinahahayag sa mga dukha.  6 At mapalad ang hindi natitisod dahil sa akin.”

7 Pagkaalis ng mga sugo ni Juan, nag­simulang magsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan: “Ano ang pinuntahan ninyo sa disyerto para makita? Isang kawa­­yang hinahampas-hampas ng ha­ngin? 8 Ano ang pinun­tahan ninyo? Isang lala­king magara ang bihis? Sa mga palasyo nga naka­tira ang mga taong magagara ang bihis.

9 Ano ba ang pinuntahan ninyo? Isang propeta? Totoo. At sinasabi ko na higit pa siya sa isang propeta. 10 Siya ang binabanggit sa Kasu­latan: Pinauna ko sa iyo ang aking mensahero upang ihanda ang daan sa harap mo.

11 Talagang sinasabi ko sa inyo, walang sinuman sa mga kilalang tao ngayon ang mas dakila pa kay Juang tagapagbinyag, pero mas dakila sa kanya ang pinakamaliit sa kaharian ng Langit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: