19 Ito ang pagpapatunay ni Juan nang papuntahin sa kanya ng
mga Judio ang ilang mga pari at Levita mula sa Jerusalem para tanungin siya:
“Sino ka?” 20 Inako niya di ipinagkaila, inako nga niyang “Hindi ako ang
Kristo.” 21 At tinanong nila siya: “Ano ka kung gayon? Si Elias ka ba?” At
sinabi niya: “Hindi.” “Ang Propeta ka ba?” Isinagot naman niya: “Hindi” 22 Kaya
sinabi nila sa kanya: “Sino ka ba? Para may maisagot kami sa mga nagpapunta sa
amin.
Ano ba ang masasabi mo tungkol sa ‘yong sarili?” 23 Sumagot siya
gaya ng sinabi ni Propeta Isaias: “Tinig ako ng isang sumisigaw sa disyerto: Tuwirin
ang daan ng Panginoon.” 24 May mga pinapunta mula sa mga Pariseo. 25 At
tinanong nila siya: “Eh, ba’t ka nagbibinyag kung hindi ikaw ang Kristo, ni si
Elias, ni ang Propeta?”
26 Sinagot sila ni Juan: “Sa tubig ako nagbibinyag ngunit may
nakatayo sa piling ninyo na hindi n’yo kilala. 27 Siya ang dumating na
kasunod ko pero hindi ako karapat-dapat magkalag ng panali ng kanyang
panyapak.” 28 Sa Betaraba nangyari ang mga ito, sa kabilang-ibayo ng
Jordan na pinagbibinyagan ni Juan.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment