Mabuting
Balita: Lucas 1:26-38
26 Sa ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang
bayan ng Galilea na tinatawag na Nazaret. 27 Sinugo ito sa isang birhen
na ipinagkasundo na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan
ni David; at Maria naman ang pangalan ng birhen.
28 Pumasok ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng
grasya, sumasaiyo ang Panginoon.” 29 Nabagabag naman si Maria dahil sa
pananalitang ito at pinagwari kung ano ang pagbating ito.
30 At sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil
may magandang niloloob ang Diyos para sa iyo. 31 At ngayo’y maglilihi ka
at manganganak ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. 32 Magiging
dakila siya at tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya
ng Panginoong Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. 33 Maghahari
siya sa angkan ni Jacob magpakailanman; talaga ngang walang katapusan ang
kanyang paghahari.”
34 Sinabi ni Maria sa anghel: “Paanong mangyayari ito gayong di
ako ginagalaw ng lalaki?” 35 At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa
iyo ang Espiritu Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya
magiging banal ang isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. 36 At
nagdalantao naman ngayon ang pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang
katandaan, at siyang itinuturing na baog ay nasa ikaanim na buwan na.
37 Wala ngang imposible sa Diyos.”
38 Sinabi naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari
nawa sa akin ang iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment