Mabuting
Balita: Mateo 11:16-19
Sinabi ni Jesus sa mga tao 16 Ngayon, kanino ko ikukumpara ang mga tao
sa kasalukuyan? Para silang mga batang nakaupo sa mga plasa at nagkakantahan,
at nagrereklamo ang ilan sa kanila: 17 ‘Tinugtog namin ang plauta para sa
inyo pero ayaw ninyong sumayaw, at nang umawit naman kami ng malungkot na
awit, ayaw din ninyong umiyak!’
18 Ganito rin ang nangyari: Dumating muna si Juan na nag-aayuno,
at sabi ng mga tao: ‘Inaalihan siya ng demonyo.’ 19 At saka dumating ang
Anak ng Tao na kumakain at umiinom, at ang sabi ng mga tao: ‘Lasenggo at matakaw,
kaibigan ng mga publikano at mga makasalanan!’ Gayon pa man, mapatutunayang
tama ang karunungan ng Diyos sa mga gawa nito.”
Ang Mabuting Balita
ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment