Mabuting
Balita: Juan 1:29-34
29 Kinabukasan, nakita I Juan Bautista si Jesus na papalapit sa
kanya kaya sinabi niya: “Hayan ang Kordero ng Diyos, sa kanya napapawi ang sala
ng mundo. 30 Ito ang tinutukoy ko nang sinabi kong ‘Isang lalaki and
kasunod kong dumarating, nauna na siya sa akin pagkat bago ako’y siya na.’ 31 Wala
nga akong alam sa kanya pero upang mahayag siya sa Israel ang dahilan kaya
dumating akong nagbibinyag sa tubig.”
32 At nagpatunay si Juan sa pagsasabing “Nakita ko ang Espiritu na
bumababa mula sa langit gaya ng isang kalapati, at namalagi sa kanya. 33 Wala
nga akong alam sa kanya pero ang nagpadala sa akin na magbinyag sa tubig ang
siya ring nagsabi sa akin: ‘Kung kanino mo makitang bumababa ang Espiritu at
namamalagi sa kanya, ito ang magbibinyag sa Espiritu Santo!” 34 Nakita ko
at pinatutunayan ko na siya nga ang hinirang Diyos.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment