Mabuting
Balita: Lucas 1:26-38
26 Sa
ikanim na buwan, isinugo ng Diyos ang Anghel Gabriel sa isang bayan ng Galilea
na tinatawag na Nazaret. 27 Sinugo ito sa isang birhen na ipinagkasundo
na sa isang lalaking nagngangalang Jose mula sa sambahayan ni David; at Maria
naman ang pangalan ng birhen.
28 Pumasok
ang anghel at sinabi sa kanya: “Matuwa ka, O puspos ng grasya, sumasaiyo ang
Panginoon.” 29 Nabagabag naman si Maria dahil sa pananalitang ito at
pinagwari kung ano ang pagbating ito.
30 At
sinabi ng anghel sa kanya: “Huwag kang matakot, Maria, dahil may magandang
niloloob ang Diyos para sa iyo. 31 At ngayo’y maglilihi ka at manganganak
ng isang lalaki na pangangalanan mong Jesus. 32 Magiging dakila siya at
tatawagin siyang Anak ng Kataas-taasan, at ibibigay sa kanya ng Panginoong
Diyos ang trono ng kanyang ninunong si David. 33 Maghahari siya sa angkan
ni Jacob magpakailanman; talaga ngang walang katapusan ang kanyang paghahari.”
34 Sinabi
ni Maria sa anghel: “Paanong mangyayari ito gayong di ako ginagalaw ng
lalaki?” 35 At sumagot sa kanya ang anghel: “Papanaog sa iyo ang Espiritu
Santo at lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan kaya magiging banal ang
isisilang at tatawaging Anak ng Diyos. 36 At nagdalantao naman ngayon ang
pinsan mong si Elizabeth sa kabila ng kanyang katandaan, at siyang itinuturing
na baog ay nasa ikaanim na buwan na. 37 Wala ngang imposible sa Diyos.”
38 Sinabi
naman ni Maria: “Narito ang utusan ng Panginoon, mangyari nawa sa akin ang
iyong sinabi.” At nilisan siya ng anghel.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment