Mabuting
Balita: Lucas 19:1-10
1 Pumasok
si Jesus sa Jerico at dumaan sa siyudad. 2 At may isang taong nagngangalang
Zakeo. Pinuno siya ng mga kolektor ng buwis at napakayaman. 3 Sinikap
niyang makita kung sino si Jesus pero pandak siya at hindi niya magawa dahil
sa dami ng mga tao. 4 Kaya patakbo siyang umuna at umakyat sa isang
punong-malaigos para makita si Jesus pagdaan doon. 5 Pagdating ni Jesus
sa lugar na iyon, tumingala siya at sinabi sa kanya: “Zakeo, bumaba ka agad. Sa
bahay mo nga ako dapat tumigil ngayon.”
6 Nagmamadali
siyang bumaba at tuwang-tuwang tinanggap si Jesus. 7 Inireklamo naman sa
isa’t isa ng lahat ng nakakita rito: “Sa bahay ng isang lalaking makasalanan
siya nakituloy.” 8 Ngunit tumayo si Zakeo at sinabi sa Panginoon: “Panginoon,
ibibigay ko sa mga dukha ang kalahati ng aking mga ari-arian; at kung may
nadaya ako, apat na beses ko siyang babayaran.” 9 At sinabi sa kanya ni
Jesus: “Dumating ngayon ang kaligtasan sa sambahayang ito dahil anak nga ni
Abraham ang taong ito. 10 At dumating ang Anak ng Tao para hanapin at
iligtas ang nawawala.”
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment