Mabuting Balita: Lucas 21:5-11
• 5 May ilan namang nag-uusap tungkol sa Templo, at sinabi
nila na may magagandang bato ito at mamahaling palamuti. Sinabi naman ni
Jesus: 6 “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato
sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” 7 Nagtanong sila sa
kanya: “Guro, kailan ito mangyayari at ano ang tanda na sumapit na ito?”
8 Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming
aangkin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at
‘Palapit na ang panahon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. 9 Sa
pagkabalita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong maligalig;
mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.”
10 At sinabi niya sa kanila: “Magdidigmaan ang mga bayan at
maglalaban-laban ang mga kaharian. 11 Magkakaroon din ng malalakas na
lindol sa maraming lugar, magkakaroon ng taggutom, magkakaroon ng mga
kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kababalaghan sa langit.
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment