Tuesday, November 26, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 28, Huwebes: Sa Ika-34 na Linggo ng Taon: Lucas 21:20-28


Mabuting Balita: Lucas 21:20-28
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 20 Kung makita ninyong nakubkob na ng mga hukbo ang Jerusalem, alamin ninyong sumapit na ang kanyang pagka­wasak. 21 Kaya tumakas pa-bundok ang mga nasa Judea, umalis ang mga nasa lunsod, at huwag nang bumalik doon ang mga nasa bukid.

22 Sapagkat ito ang mga araw ng  paghihiganti sa kanya para matupad ang lahat ng nasa Kasu­latan. 23 Sawimpalad ang mga nagdadalantao o mga inang nagpapasuso sa mga araw na iyon. Sapagkat matindi ang sasapit na kapa­hamakan sa lupain at ang galit sa bayang ito. 24 Mamamatay sila sa tabak, dadal­hing bihag sa lahat ng bansa, at yuyu­ra­kan ng mga bansang pagano ang Jerusalem hanggang mabuo ang pana­hon ng mga bansa.

25 Magkakaroon ng mga tanda sa araw, buwan at mga bituin. Sa lupa’y manga­ngamba ang mga bansa dahil sa ugong at alon ng dagat, at wala silang maga­gawa. 26 Hihimatayin ang mga tao dahil sa takot at pagkabahala sa mga sasapitin ng sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga puwersa ng san­libutan. 27 At makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa ulap na may Kapangyarihan at ganap na Luwalhati.

28 Kung magsimula nang maganap ang mga ito, tumindig kayo at tumunghay dahil palapit na ang inyong katubusan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: