Mabuting
Balita: Lucas
17:1-6
1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Hindi maaaring walang
katitisuran at magpapabagsak sa tao ngunit sawimpalad ang taong naghahatid
nito! 2 Mas makabubuti pa sa kanya na talian ng gilingang-bato sa leeg at
ihagis sa dagat kaysa tisurin at pabagsakin ang isa sa maliliit na ito.
3 Mag-ingat kayo. Kung magkasala ang kapatid mo, pagsabihan mo
siya, at kung magsisi’y patawarin mo. 4 At kung pitong beses siyang
magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din siyang bumalik sa iyo na
nagsisisi, patawarin mo siya.”
5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon: “Dagdagan mo ang aming pananampalataya.”
6 Sumagot ang Panginoon: “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto
ng mustasa, masasabi ninyo sa punong malaigos na iyan: ‘Mabunot ka at sa dagat
ka matanim,’ at susundin kayo nito.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment