Friday, November 8, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 11, Lunes: San Martin de Tours, Obispo : Lucas 17:1-6


Mabuting Balita: Lucas 17:1-6
1 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Hindi maaaring wa­lang katitisu­ran at magpapabagsak sa tao ngunit sawimpalad ang taong naghahatid nito! 2 Mas makabubuti pa sa kanya na talian ng gilingang-bato sa leeg at ihagis sa dagat kaysa tisurin at pa­bagsakin ang isa sa maliliit na ito.

3 Mag-ingat kayo. Kung magkasala ang ka­patid mo, pagsabihan mo siya, at kung mag­sisi’y patawarin mo. 4 At kung pitong beses si­yang magkasala sa iyo sa isang araw at pitong beses din siyang bumalik sa iyo na nagsisisi, pata­warin mo siya.”

5 Sinabi ng mga apostol sa Panginoon: “Dag­dagan mo ang aming pana­nam­palataya.” 6 Su­magot ang Panginoon: “Kung may pananampalataya kayong sinlaki ng buto ng mustasa, masa­sabi ninyo sa punong malaigos na iyan: ‘Mabunot ka at sa dagat ka matanim,’ at su­sundin kayo nito.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: