Mabuting
Balita: Juan
2:13-22
• 13 Malapit na noon ang Paskuwa ng mga Judio, at umahon si
Jesus pa-Jerusalem. 14 Natagpuan niya sa patyo ng Templo ang mga
nagtitinda ng mga baka, mga tupa at mga kalapati, at ang mga nakaupong
tagapalit ng pera. 15 Kaya gumawa siya ng panghagupit mula sa mga lubid,
at ipinagtabuyan ang lahat mula sa Templo, pati ang mga tupa at mga baka, at
isinabog ang pera ng mga tagapalit at ipinagtataob ang mga mesa.
16 At sinabi niya sa mga nagtitinda ng mga kalapati: “Alisin n’yo
ang mga ito! Huwag n’yong gawing palengke ang Bahay ng aking Ama.” 17 Naalaala
ng kanyang mga alagad na nasusulat: “Tinutupok ako ng malasakit sa iyong Bahay.”
18 Kaya sumagot ang mga Judio: “Anong tanda ang maipapakita mo sa
amin at ginagawa mo ito?” 19 Sinagot sila ni Jesus: “Gibain n’yo ang
templong ito, at ibabangon ko ito sa tatlong araw.”
20 Sinabi naman ng mga Judio: “Apat-napu’t anim na taon nang
itinatayo ang templong ito, at ibabangon mo ito sa tatlong araw?” 21 Ngunit
and templong katawan niya ang kanyang tinutukoy. 22 Nang ibangon siya
mula sa mga patay, naalaala ng kanyang mga alagad ang sinabi niyang ito. Kaya
naniwala sila sa Kasulatan at sa salitang sinabi ni Jesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment