Monday, November 4, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 8, Biyernes: Ika-31 na Linggo ng Taon: Lucas 16:1-8


Mabuting Balita: Lucas 16:1-8
1 Sinabi rin ni Jesus sa kan­yang mga alagad: “May katiwala ang isang mayaman, at isinumbong sa kanya na nilulustay ng katiwala ang kanyang kayamanan. 2 Ipinatawag niya ito at sinabi sa kanya: ‘Ano itong nariri­nig ko tungkol sa iyo? Magsulit ka sa akin ng iyong pangangasiwa dahil hindi ka na makapa­ngangasiwa.’

3 At inisip ng katiwala: ‘Tatanggalin ako ngayon sa pangangasiwa ng aking panginoon. Ano ang gagawin ko? Ku­lang ako ng lakas para magbungkal ng lupa, nahihiya naman akong magpa­li­mos. 4 Ah, alam ko na ang gagawin ko. At pagka­tang­gal sa akin sa panga­nga­siwa, may mga magpapatuloy sa akin sa kani­lang mga bahay.’

5 Kaya tinawag niyang isa-isa ang mga may-utang sa kanyang panginoon. Tina­nong niya ang una: “Mag­kano ang utang mo sa aking pangi­noon?’ 6 Suma­got ito: ‘Sandaang galon ng la­ngis.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang resibo mo; maupo ka agad at isulat mo: Limampu.’ 7 Tina­nong naman niya ang ikalawa: ‘At ikaw, magkano ang utang mo?’ Sumagot siya: ‘Sanlibong takal ng trigo.’ Sinabi ng katiwala: ‘Narito ang iyong resibo at isulat mo: Walundaan.”

8 Hinangaan ng panginoon ang mata­linong paggawa ng di-matuwid na katiwala. Mas matalino nga ang mga taong makamundo sa pakikitungo sa mga ga­ya nila kaysa mga tao ng liwa­nag.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: