Friday, November 1, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 7, Huwebes: Ika-31 na Linggo ng Taon: Lucas 15:1-10


Mabuting Balita: Lucas 15:1-10
1 Lumapit kay Jesus ang lahat ng ko­lektor ng buwis at mga makasa­lanan para makinig. 2 Kaya nag­bulung-bulungan ang mga Pariseo at mga guro ng Batas: “Tinatanggap niyan ang mga makasalanan at na­kikisalo sa kani­la.” 3 Kaya sinabi ni Jesus ang ta­linhagang ito sa kanila:

• 4 “Kung may sandaang tupa ang isa sa inyo at mawala ang isa sa mga ito, hindi ba niya iiwan ang siyamnapu’t siyam sa ilang para hanapin ang nawawala hanggang matag­puan niya ito? 5 At pag natagpuan ito’y masaya niya itong pinapasan sa balikat, 6 at pag­dating sa bahay ay tatawagin niya ang mga kaibigan at mga kapitbahay at sasabihin sa kanila: ‘Ma­tuwa kayong kasama ko sapagkat natagpuan ko na ang nawawala kong tupa.’ 7 Sinasabi ko sa inyo: mag­kakaroon din ng higit na kagalakan sa langit para sa isang ma­ka­­sa­lanang nagsi­sisi kaysa siyam­napu’t siyam na matuwid na di nanga­ngaila­ngan ng pagsisisi.

8 Kung may sampung baryang pilak ang isang babae at nawala ang isa sa mga ito, hindi ba siya magsisindi ng ilaw, mag­wawalis sa bahay at hahana­ping ma­buti hanggang matag­puan ito? 9 At pagka­kita rito’y tatawagin ang mga kaibigang babae at mga kapitbahay: ‘Matuwa ka­yong kasama ko sapagkat natag­puan ko ang nawawala kong baryang pilak.’ Sina­sabi ko sa inyo na ganito rin sa mga ang­hel ng Diyos, mag­kakaroon ng kagala­kan para sa isang makasalanang nagsisisi.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: