Friday, November 1, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 5, Martes: Ika-31 na Linggo ng Taon: Lucas 14:15-24


Mabuting Balita: Lucas 14:15-24
15 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga inanyayahan: “Mapalad ang makakasalo sa bangkete ng kaha­-ri­an ng Diyos!” 16 Sumagot si Jesus: “May isang taong naghanda ng isang malaking bangkete at marami siyang kinumbida. 17 Sa oras ng han­daan, pinapunta niya ang kanyang katulong para sabihin sa mga imbitado: ‘Tayo na’t handa na ang lahat.’ 18 Ngunit parang sabay-sabay namang nagdahilan ang lahat. Sinabi ng una: ‘Bumili ako ng bukid at kaila­ngan kong pumunta para tingnan iyon. Pasensya ka na.’ 19 Sinabi naman ng isa: ‘Bumili ako ng limang pares na bakang pang-araro at pasu­subukan ko ang mga ito. Pasensya ka na’ 20 Sinabi ng isa pa: ‘Ba­gong kasal ako kaya hindi ako makakapunta.’

21 Pagbalik ng katulong, ibinalita niya ang lahat ng ito sa kanyang panginoon. Galit na galit ang maysambahayan at sinabi sa kanyang katulong: ‘Pumunta ka agad sa mga liwasan at mga lansa­ngan ng lunsod, at pa­pasukin mo rito ang mga dukha, mga bale-wala, mga bulag at mga pilay.’
22 At pagkatapos ay sinabi ng katulong: ‘Nagawa na ang ipinag-utos mo at may lugar pa rin.’ 23 Sumagot sa kanya ang pangi­noon: ‘Lumabas ka sa mga daan at mga bakuran at pilitin mong pumasok ang mga tao para ma­puno ang bahay ko. 24 Sapagkat sinasabi ko sa inyo: walang sinu­man sa mga ginoong iyon na kinum-bida ko ang makatitikim ng aking handa’.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: