Mabuting
Balita: Lucas
14:12-14
12 Sinabi naman ni
Jesus sa nag-anyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan,
huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak o mayayamang
kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka.
13 Kung maghahanda ka, mga dukha, mga bale-wala, mga pilay at mga bulag
ang kumbidahin mo. 14 At magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masusuklian
ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuklian.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment