Friday, November 1, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Nobyembre 4, Lunes: San Carlos Borromeo, Obispo: Lucas 14:12-14


Mabuting Balita: Lucas 14:12-14
12 Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya: “Kung maghahanda ka ng tanghalian o hapunan, huwag mga kaibigan mo o mga kapatid mo o mga kamag-anak o maya­yamang kapitbahay ang iyong kumbidahin, baka kumbidahin ka rin nila at susuklian ka. 13 Kung maghahanda ka, mga dukha, mga bale-wala, mga pilay at mga bulag ang kumbidahin mo. 14 At magiging mapalad ka dahil hindi ka nila masu­suklian ngunit sa pagkabuhay ng mga mabuti ka susuk­lian.”
                                                                             
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: