Friday, November 29, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Miyerkules Disyembre 4, Unang Linggo ng Adbiyento: Mateo 15:29-37


Mabuting Balita: Mateo  15:29-37
29 Umalis doon si Jesus at pumunta sa pampang ng lawa ng Galilea, at pagka­akyat sa burol ay naupo. 30 Mara­ming tao ang lumapit sa kanya, dala-dala ang mga pipi, bulag, pilay, mga may kapansanan, at mga taong may iba’t ibang karam­daman. Inilagay sila ng mga tao sa pa­a­nan ni Jesus, at  pina­galing niya sila. 31 Ka­ya namangha ang lahat nang makita nilang nagsa­sa­lita ang mga pipi, lumalakad ang mga pilay, guma­galing ang mga may kapansanan at nakakakita ang mga bulag; kaya pinuri nila ang Diyos ng Israel.

32 Tinawag ni Jesus ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanila: “Labis akong naaawa sa mga taong ito, pangatlong araw ko na silang kasama at wala na silang makain. Ayaw kong paalisin silang gutom at baka mahilo sila sa daan.” 33 Sinabi ng mga alagad sa kan­ya: “At saan naman tayo haha­nap ng sapat na tinapay sa ilang na ito para ipa­kain sa mga taong iyan?” 34 Sinabi ni Jesus sa kanila: “Ilan bang tinapay meron kayo?” Sumagot sila: “Pito, at kaunting maliliit na isda.”

35 Pinaupo ni Jesus sa lupa ang mga tao, 36 kinuha niya ang pitong tinapay at ang maliliit na isda, at nag­pasalamat sa Diyos. Hinati-hati niya ang mga ito at ibi­nigay sa kanyang mga alagad, at ibi­nigay rin nila sa mga tao. 37 Kumain silang lahat at nabusog at inipon ang mga natirang pira-piraso – pitong punong bayong.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: