Wednesday, November 20, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Nobyembre 24, Pahahari ni Kristo sa Sanlibutan, Dakilang Kapistahan: Lucas 23:35-43


Mabuting Balita Lucas 23:35-43
35 Habang nakapako si Jesus Naroon ang mga tao na nakatingin. Pinagtatawanan naman siya ng mga pinuno: “Nailigtas niya ang iba, iligtas din niya ngayon ang kanyang sarili kung siya ang Kristo, ang Hinirang.”

36 Pinagtawanan din siya ng mga sun­dalong lu­mapit para painumin siya ng alak na may halong suka. 37 Sinabi nila: “Kung ikaw ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ngayon ang iyong sarili.” 38 May nakasulat nga sa wikang Griyego, Latin at Hebreo sa kanyang ulunan: “Ito ang Hari ng mga Judio.”

• 39 Ininsulto rin siya ng isa sa mga kriminal na nakapako sa krus: “Di ba’t ikaw ang Kristo? Iligtas mo ang iyong sarili pati kami.” 40 Pero pinagsabihan ito ng isa pang kriminal: “Wala ka bang pitagan sa Diyos, ikaw na gayon ding pagdurusa ang dinaranas?

41 At bagay ito sa atin sapagkat tinatanggap la­mang natin ang nararapat sa ating mga ginawa. Ngunit wala naman siyang nagagawang masama.” 42 At sinabi pa niya: “Jesus, alalahanin mo ako pag­dating mo sa iyong kaharian.” 43 Su­magot si Jesus: “Talagang sinasabi ko sa iyo: sa araw ring ito, maka­kasama kita sa Paraiso.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: