Wednesday, November 13, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo Nobyembre 17, ika-33 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 21:5-19


Mabuting Balita Lucas 21:5-19
5 May ilan namang nag-uusap tung­kol sa Templo, at sinabi nila na may maga­gandang bato ito at mamahaling pala­muti. Sinabi naman ni Jesus: 6 “Darating ang mga araw na walang matitirang magkapatong na bato sa lahat ng inyong nakikita; iguguho ang lahat.” 7 Nagtanong sila sa kanya: “Guro, kailan ito mang­ya­yari at ano ang tanda na sumapit na ito?”

8 Sumagot si Jesus: “Mag-ingat kayo at baka kayo madaya. Maraming aang­kin sa aking pangalan sa pagsasabing ‘Ako ang Mesiyas; ako siya,’ at ‘Palapit na ang pana­hon.’ Huwag kayong sumunod sa kanila. 9 Sa pagkabalita ninyo sa digmaan at mga kaguluhan, huwag kayong mali­galig; mangyayari muna ito pero hindi pa ito ang wakas.”

10  At sinabi niya sa kanila: “Magdi­digmaan ang mga bayan at magla­laban-laban ang mga kaharian. 11 Mag­kakaroon din ng malalakas na lindol sa ma­raming lugar, magkakaroon ng tag­gutom, mag­kakaroon ng mga kakila-kilabot na bagay at ng malalaki ring kaba­­balaghan sa langit. 12 Pero bago sumapit ang lahat ng ito, dadakipin kayo at uusigin; ibibigay kayo sa mga sinagoga at dadalhin sa mga kulungan at ihaharap sa mga hari at mga gobernador dahil sa aking pangalan. 13 Sasapit ito sa inyo para makapag­pa­totoo kayo sa akin.

14 Isaisip ninyo na huwag ikabalisa ang pagtatanggol sa inyong sarili 15 dahil ako mismo ang magbibigay sa inyo ng mga salita at karunungang di matata­galan o masasagot ng lahat ninyong ka­away. 16 Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan, at papatayin nila ang ilan sa inyo. 17 At kamumuhian kayo ng lahat dahil sa aking pangalan. 18 Su­balit hindi maaano isa mang buhok sa inyong ulo. 19 Sa in­yong pagpapaka­tatag, ang mga sarili ninyo mis­mo ang inyong makakamit.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: