21 Sinabi ni Jesus sa mga alagad hindi lahat ng nagsasabi sa akin ng ‘Panginoon! Panginoon!’ ay
papasok sa kaharian ng Langit kundi ang nagsasagawa sa kalooban ng Diyos ang
siyang papasok sa kaharian ng Langit.
24 Kaya kung may nakikinig sa mga salita ko at sumusunod dito,
matutulad siya sa isang matalinong nagtayo ng bahay sa batuhan. 25 Bumagyo
at bumaha ang ilog at humangin nang malakas, ngunit hindi nagiba ang bahay
sapagkat itinayo ito sa batuhan. 26 At ang sinumang nakakarinig sa aking
mga salita at hindi nagsasagawa nito, matutulad siya sa isang hangal na nagtayo
ng bahay sa buhangin. 27 Bumagyo at bumaha ang ilog at humangin nang
malakas, at bumagsak ang bahay at kay laking kapahamakan!
Ang Mabuting
Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment