Mabuting
Balita: Lucas 6:12-16
12 Nang panahong iyon, umakyat si Jesus sa bundok para manalangin
at magpalipas ng magdamag sa pagdarasal sa Diyos. 13 Nang nag-umaga na,
tinawag niya ang kanyang mga alagad at pumili siya ng labindalawa sa kanila na
tinawag niyang apostol: 14 si Simon na pinangalanan niyang Pedro, si Andres
na kapatid nito; si Jaime, si Juan, si Felipe, si Bartolome, 15 si Mateo,
si Tomas, si Jaimeng anak ni Alfeo, si Simon na tinataguriang Zelota, 16 si
Judas na kamag-anak ni Jaime, at si Judas Iskariote na naging tagapagkanulo.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment