Mabuting
Balita: Lucas 12:49-53
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, 49 Dumating ako upang
maghagis ng apoy sa lupa, at ganoon na lamang ang pagnanais kong magliyab na
sana ito! 50 Ngunit dapat akong mabinyagan ng isang binyag, at ganoon na
lamang ang pagkabalisa ko hanggang di ito nagaganap! 51 Sa akala ba
ninyo’y dumating ako para magbigay ng kapayapaan sa lupa? Hindi, sinasabi ko
sa inyo, kundi paghihiwa-hiwalay! 52 Sapagkat mula ngayo’y
magkakahati-hati ang limang nasa isang sambahayan, tatlo laban sa dalawa at
dalawa laban sa tatlo; 53 magkakahati-hati sila: ama laban sa anak na
lalaki at anak na lalaki laban sa ama, ina laban sa anak na babae at anak na
babae laban sa ina, biyenang babae laban sa kanyang manugang na babae at manugang
na babae laban sa biyenang babae.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment