13 Sinabi kay Jesus ng isa sa karamihan: “Guro, sabihin mo nga sa
aking kapatid na hatian ako ng mana.” 14 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanya:
“Kaibigan, sino ang nagtalaga sa akin bilang hukom o tagapaghati ninyo?” 15 At
sinabi niya sa mga tao: “Mag-ingat kayo at iwasan ang bawat uri ng kasakiman
sapagkat magkaroon man ng marami ang tao, hindi sa kanyang mga ari-arian
nakasalalay ang kanyang buhay.”
16 At idinagdag ni Jesus ang isang talinhaga: “May isang taong
mayaman na maraming tinubo sa kanyang lupain. 17 Kaya nag-isip-isip siya:
‘Ano ang gagawin ko? Wala man lang akong mapagtipunan ng aking ani.’ 18 At
sinabi niya: ‘Ito ang gagawin ko, gigibain ko ang aking mga bodega at
magtatayo ako ng mas malalaki; doon ko titipunin ang lahat kong trigo at ang
iba pa. 19 At masasabi ko na sa aking sarili: Kaibigan, marami kang
ari-ariang nakalaan para sa maraming taon. Magpahinga ka, kumain, uminom at
magsaya.’
20 Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: ‘Hangal! Sa gabi ring ito, babawiin
sa iyo ang iyong buhay. Mapapasakanino na ang iyong inihanda?’ 21 Gayon
din ang masasabi sa sinumang nag-iimpok ng yaman para sa kanyang sarili at
walang tinutubo para sa Diyos.”
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment