Saturday, October 19, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 21, Lunes: Ika-29 na Linggo ng Taon: Lucas 12:13-21

Mabuting Balita: Lucas 12:13-21
13 Sinabi kay Jesus ng isa sa kara­mi­han: “Guro, sabihin mo nga sa aking kapatid na hatian ako ng mana.” 14 Ngu­nit sinabi ni Jesus sa kanya: “Kaibigan, sino ang nagtalaga sa akin bilang hukom o tagapaghati ninyo?” 15 At sinabi niya sa mga tao: “Mag-ingat kayo at iwasan ang bawat uri ng kasakiman sapagkat mag­karoon man ng ma­rami ang tao, hindi sa kanyang mga ari-arian nakasalalay ang kanyang buhay.”

16 At idinagdag ni Jesus ang isang ta­lin­haga: “May isang taong mayaman na ma­raming tinubo sa kanyang lupain. 17 Kaya nag-isip-isip siya: ‘Ano ang ga­gawin ko? Wala man lang akong ma­pag­­tipunan ng aking ani.’ 18 At sinabi niya: ‘Ito ang gaga­win ko, gigibain ko ang aking mga bodega at magtatayo ako ng mas malalaki; doon ko titipunin ang lahat kong trigo at ang iba pa. 19 At ma­sasabi ko na sa aking sarili: Kaibi­gan, ma­rami kang ari-ariang naka­laan para sa maraming taon. Magpa­hinga ka, kumain, uminom at magsaya.’

20 Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos: ‘Ha­ngal! Sa gabi ring ito, babawiin sa iyo ang iyong buhay. Mapapasakanino na ang iyong inihanda?’ 21 Gayon din ang masa­sabi sa sinumang nag-iimpok ng yaman para sa kanyang sarili at walang tinutubo para sa Diyos.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: