Tuesday, October 15, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 19, Sabado: San Juan de Brebeul at San Isaac Jogues, mga pari at mga kasama , mga martir: Lucas 12:8-12


Mabuting Balita: Lucas 12:8-12
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad 8 Sinasabi ko sa inyo: sinumang ku­mi­­lala sa akin sa harap ng mga tao ay kiki­lalanin din ng Anak ng Tao sa harap ng mga anghel ng Diyos. 9 At ang ayaw ku­milala sa akin sa harap ng mga tao’y hin­di rin kikilalanin sa harap ng mga anghel ng Diyos.

10 Ang sinumang magsalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang lumait sa Espiritu Santo ay hindi mapapatawad. 11 Dalhin man nila kayo sa harap ng mga sinagoga at mga namu­muno at mga may­kapang­ya­rihan, hu­wag kayong mabalisa kung paano ninyo ipagtatanggol ang sarili o kung ano ang inyong sasabihin. 12 Sa­pagkat ang Es­piritu Santo ang magtuturo sa inyo sa oras na iyon ng dapat na sabihin.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: