1 Pagkatapos
nito, humirang ang Panginoon ng iba pang pitumpu’t dalawa at isinugo silang
dala-dalawa na mauna sa kanya sa bawat bayan at lugar na takda niyang puntahan.
2 Sinabi niya sa kanila:
“Marami nga ang aanihin at kakaunti naman ang mga manggagawa; idalangin ninyo
sa panginoon ng ani na magpadala siya ng mga manggagawa sa kanyang ani. 3 Lumakad na kayo. Isinusugo ko kayong
parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. 4 Huwag kayong magdala ng pitaka, bag o mga sandalyas. At
huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.
5 Saanmang bahay
kayo pumasok, sabihin muna ninyo: ‘Mapasatahanang ito ang kapayapaan!’ 6 Kung mapayapang tao ang naroon,
sasakanya ang inyong kapayapaan. Kung hindi’y magbabalik sa inyo ang inyong
dasal. 7 At sa bahay na iyon
kayo manatili; kumain kayo at uminom na kasalo nila sapagkat may karapatan
ang manggagawa sa kanyang sahod. Huwag kayong magpapapalit-palit ng bahay.
• 8 Saanmang bayan
kayo pumasok at tanggapin nila kayo, kanin ninyo anumang ihain sa inyo. 9 Pagalingin din ninyo ang mga
maysakit doon at sabihin ninyo sa kanila: ‘Palapit na sa inyo ang kaharian ng
Diyos.’
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment