Mabuting
Balita: Lucas 11:37-41
37 Matapos magsalita si Jesus, inanyayahan siya ng isang Pariseo
na kumain sa bahay nito. Pumasok siya at dumulog sa hapag. 38 At nagtaka
ang Pariseo nang makitang hindi muna siya naghugas ng kamay bago kumain. 39 Ngunit
sinabi sa kanya ng Panginoon: “Kayong mga Pariseo, ugali ninyong linisin ang
labas ng mga baso’t pinggan pero nag-uumapaw naman sa kasakiman at kasamaan
ang inyong loob! 40 Mga hangal! Di ba’t ang maygawa ng labas ang siya ring
maygawa ng loob? 41 Pero naglilimos lamang kayo at sa akala ninyo’y
malinis na ang lahat.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment