Mabuting
Balita: Lucas 11:29-32
29 Nang dumadagsa na ang mga tao, nagsimulang magsalita si Jesus:
“Masamang lahi ang lahing ito; humihingi ito ng palatandaan pero walang ibang
palatandaang ibibigay rito kundi ang palatandaan ni Jonas. 30 At kung
paanong naging palatandaan si Jonas para sa mga taga-Ninive, gayundin naman
ang Anak ng Tao para sa mga tao sa kasalukuyan. 31 Sa paghuhukom, babangon
ang Reyna ng Timog kasama ng mga lalaki ng lahing ito at hahatulan sila.
Sapagkat dumating siya mula sa kabilang dulo ng mundo para masaksihan ang
karunungan ni Solomon at dito’y may mas dakila pa kay Solomon. 32 Sa
paghuhukom, babangon ang mga lalaking taga-Ninive kasama ng salinlahing ito at
hahatulan nila ito dahil nagbalik-loob sila sa pangangaral ni Jonas; at dito’y
may mas dakila pa kay Jonas.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment