Monday, October 7, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 11, Biyernes: Ika-27 Linggo ng Taon: Lucas 11:15-26


Mabuting Balita: Lucas 11:15-26
15 Nang naka pagpalayas si Jesus ng demonyo  sinabi ng ilan sa kanila: “Pinalalayas niya ang mga ito sa tulong ni Beelzebul na pinuno ng mga demonyo.” 16 Gusto naman ng iba na subukin si Jesus at humi­ngi sila sa kanya ng isang tanda galing sa langit.

17 Alam ni Jesus ang kanilang iniisip kaya sinabi niya sa kanila: “Mabu­buwag ang bawat kahariang nagka­kahati-hati at magigiba roon ang mga samba­hayan. 18 Ngayon, kung nagkakahati-hati si Sa­tanas, paano mag­ta­tagal ang kanyang kaharian? Di nga ba’t sinasabi ninyo na nagpapalayas ako ng mga de­monyo sa tulong ni Beelzebul? 19 Kung sa pamamagitan ni Beelzebul ako nag­pa­palayas ng mga demonyo, paano na­man napalalayas ng inyong mga ka­anib ang mga ito? Sila mismo ang nara­rapat sumagot sa inyo.

20 Sa daliri ng Diyos ako nagpapa­layas ng mga demonyo kaya sumapit na sa inyo ang kaharian ng Diyos. 21 Kung sandatahang binabantayan ni Malakas ang kanyang palasyo, hindi magagam­bala ang kanyang mga pag-aari. 22 Pero kung salakayin siya ng mas makapang­yarihan sa kanya at talunin siya, maa­agaw nito ang kanyang mga armas na kanyang inasahan at ipamamahagi ang kanyang mga ari-arian.
• 23 Ang hindi panig sa akin ay laban sa akin, at ang hindi nagtitipong kasama ko ay nagpapangalat.

• 24 Kapag lumabas sa tao ang maruming espiritu, nagpapalabuy-laboy ito sa mga lugar na walang tubig sa paghahanap ng pahingahan. Pero wala siyang natatagpuan at sinasabi niya: ‘Babalik ako sa inalisan kong tirahan.’ 25 Pag­dating niya, natatagpuan niya ito na nawalisan na at maayos pa. 26 Kaya nag­­hahanap siya at nagsasama ng pito pang espiritung mas masama pa kaysa kanya; pu­ma­pa­sok ang mga ito at doon tumitira. Kaya mas masama ang huling kalagayan ng taong iyon kaysa dati.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: