Sunday, October 6, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Oktubre 10, Huwebes: Ika-27 Linggo ng Taon: Lucas 11:5-13


Mabuting Balita: Lucas 11:5-13
5 Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: “Ipalagay nating may kaibigan ang isa sa inyo at pinuntahan mo siya sa ha­tinggabi at sinabi: ‘Kaibigan, pahiram nga ng tatlong pirasong tinapay 6 dahil kararating lang mula sa biyahe ng isa kong kaibigan at wala akong maihain sa kanya.’ 7 At sasagutin ka siguro ng nasa loob: ‘Huwag mo na akong gambalain. Nakatrangka na ang pinto at nakahiga na kami ng mga bata; hindi na ako maaaring tumayo para bigyan ka.’ 8 Sinasabi ko sa inyo, kung hindi man siya bumangon para mag­bi­gay dahil sa pakikipagkaibigan, baba­ngon pa rin siya at ibibigay sa iyo ang lahat mong kailangan dahil sa pagpu­pumilit sa kanya.

9 Kaya sinasabi ko sa inyo: humingi at kayo’y bibigyan, maghanap at mata­tag­puan ninyo, kumatok at bu­buk­san ang pinto para sa inyo. 10 Talaga ngang tumatanggap ang humihingi, nakaka­tagpo ang naghahanap at pinag­bubuk­san ang ku­makatok.

11 Sino sa inyo ang amang magbi­bigay ng ahas sa kanyang anak kung isda at hin­di ahas ang hinihingi nito? 12 Sino ang magbibigay ng alakdan kung itlog ang hinihingi? 13 Kaya kung kayo mang ma­sa­sama’y marunong magbigay ng ma­bu­buting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang Ama mula sa langit? Tiyak na ibibigay niya ang banal na Espi­ritu sa mga hihingi sa kanya.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: