Wednesday, October 16, 2019

Ang Mabuting Balita para sa Linggo October 20, ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 18:1-8


Mabuting Balita: Lucas 18:1-8
1 Dapat laging manalangin at huwag masiraan ng loob – ito ang sinabi ni Jesus sa kanila sa isang talin­haga. 2 Sinabi niya: “Sa isang lunsod, may isang hukom na walang takot sa Diyos at walang pakialam sa mga tao. 3 May isa ring biyuda sa lunsod na iyon na madalas pumunta sa kanya at sinasabi: ‘Igawad mo sa akin ang kataru­ngan laban sa aking kalaban.’ 4 Ma­tagal siyang umayaw pero naisip niya pag­katapos: ‘Wala man akong takot sa Diyos at walang pakialam sa tao, 5 igagawad ko pa rin ang kata­rungan sa bi­yudang ito na bumu­bu­wisit sa akin at baka masiraan pa ako ng ulo sa pag­punta-punta niya’.”

6 Kaya idinagdag ng Panginoon: “Pa­kinggan ninyo ang sinabi ng di-matuwid na hukom. 7 Di ba’t igagawad ng Diyos ang katarungan sa kan­yang mga hini­rang na araw-gabing tumatawag sa kanya? Pababayaan ba niya sila? 8 Sinasabi ko sa inyo, agad niyang igagawad sa kanila ang kata­rungan. Ngu­nit pag dating ng Anak ng Tao, maka­kakita kaya siya ng pana­nampalataya sa lupa?”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

No comments: