Tuesday, May 07, 2019

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Mayo 12, Ikaapat na Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 10:27-30


27 Sinabi ni Jesus, Dinidinig ng aking mga tupa ang aking tinig at kilala ko sila, at sumu­sunod sila sa akin. 28 Buhay magpa­kailanman ang ibinibigay ko sa kanila at hin­ding-hindi sila kailanman mapa­pahamak ni walang aagaw sa kanila mula sa kamay ko. 29 Mas dakila sa anuman ang ibinigay sa akin ng aking Ama, at walang maka­aagaw mula sa kamay ng Ama. 30 Iisa kami: ako at ang Ama.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon   

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang pastol na nangako na mag aalaga sa kanyang mga tupa. Kaya ginawa niya ang nararapat niyang gawin bilang kanilang pastol. Pero, nang dumating ang pagkakataon na dumaan sa isang panganib ang kanyang mga tupa. Imbes na ipagtanggol niya ang kanyang mga tupa ang pastol ay bigla nalang nawala na parang bula.

Si Jesus bilang ating mabuting pastol ay hindi tayo iiwan ano man ang mangyari. Pag tayo ay dumaan sa mga problema at pagsubok ng buhay si Jesus ay palaging nandiyan para tumulong sa atin. Pag tayo ay napapagod dahil sa hirap ng buhay si Jesus ay palaging nandiyan para bigyan tayo ng lakas.

Ganito dapat ang mabuting pastol. Dapat siya ay palaging nagpapakita ng  mabuting halimbawa at ganito Jesus sa kanyang mga alagad. Itinuro sa kanila ni Jesus kung paano mag pakumbaba, kung paano mag patawad at kung paano maging tunay na lider.  

Si Jesus ay palaging nandiyan para sa atin sa anumang panahon ng ating mga buhay dahil siya ang ating mabuting pastol. Kaya dapat tayo ay palaging nakikinig at sumusunod  sa kanya. Dahil sa kanya lang natin matatagpuan ang tunay na halaga ng buhay.

Si Jesus ba ang nagpapastol ng buhay mo? – Marino J. Dasmarinas  

1 comment:

Bro F said...

Amen! 🙏😇