Tuesday, April 30, 2019

Ang Mabuting Balita at Repleksyon para sa Mayo 5, Ikatlong Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay: Juan 21:1-19


Mabuting Balita: Juan 21:1-19
1 Pagkaraan ng mga ito, muling ibinunyag ni Jesus ang sarili sa mga alagad sa may Dagat ng Tiberias. Ganito ang kanyang pagbu¬bunyag. 2 Magkasamang naroon sina Simon Pedro, Tomas na tinaguriang Kambal, Natanael na taga-Cana ng Galilea, ang mga anak ni Zebedeo, at dalawa pa sa  mga alagad niya. 3 Sinabi sa kanila ni Simon Pedro: “Aalis ako para mangisda.” Sinabi nila sa kanya: “Sasama kami sa iyo.”

Lumabas sila at sumakay sa bangka nang gabing iyo’y wala silang nahuli. 4 Nang madaling-araw na, nakatayo si Jesus sa dalampasigan pero hindi nakilala ng mga alagad na si Jesus iyon. 5 Tinatawag sila ni Jesus: “Mga bata, wala ba kayong isda?” Sumagot sila sa kanya: “Wala!” 6 Kaya sinabi niya sa kanila: “Ihagis n’yo ang lambat sa bandang kanan ng bangka at ma-kakatagpo kayo.” Kaya inihagis nga nila at hindi na nila makayang hilahin iyon dahil sa dami ng isda.

7 Kaya sinabi kay Pedro ng alagad na iyon na mahal ni Jesus: “Ang Panginoon siya!” Nang marinig ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, ibinigkis niya ang [kanyang] damit dahil hubad siya, at saka tumalon sa dagat. 8 Dumating namang sakay ng maliit na bangka ang iba pang mga alagad pagkat hindi sila kalayuan mula sa pampang kundi mga sandaang metro lamang. Hila-hila nila ang lambat ng mga isda.

9 At pagkalunsad sa lupa, nakita nilang may nagbabagang uling doon, na pinagiihawan ng isda, at may tinapay. 10 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Magdala kayo mula sa mga isdang nahuli n’yo ngayon.” 11 Kaya sumakay si Simon Pedro at hinila sa pampang ang lambat na puno ng sandaa’t limampu’t tatlong malalaking isda. At kahit na napakarami’y hindi napunit ang lambat.

12 Sinabi sa kanila ni Jesus: “Halikayo’t mag-almusal!” Walang maka-pangahas sa mga alagad na mag-usisa sa kanya: “Sino ba kayo?” dahil alam nilang ang Panginoon iyon. 13 Lumapit si Jesus at kumuha ng tinapay at ipinamahagi sa kanila. Gayundin sa isda. 14 Ito ngayon ang ikatlong pagbubunyag ni Jesus sa mga alagad matapos siyang ibangon mula sa mga patay.

15 Pagkapag-almusal nila, sinabi ni Jesus kay Simon Pedro: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako nang higit sa pagmamahal nila?” Sinabi nito sa kanya: “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Sinabi sa kanya: “Pakanin mo ang aking mga kordero.” 16 Sinabi sa kanyang makalawa: “Simon, anak ni Juan, mahal mo ba ako?” Sinabi nito sa kanya: “Oo, Panginoon, ikaw ang nakaaalam na iniibig kita.” Sinabi sa kanya: “Ipastol ang aking mga tupa.” 17 Sinabi sa kanyang makaitlo: “Simon, anak ni Juan, iniibig mo ba ako?” Nalungkot na si Pedro dahil makaitlo siyang sinabihan: “Iniibig mo ba ako?” kaya sinabi niya: “Panginoon, ikaw ang nakaaalam ng lahat; alam mong iniibig kita.” Sinabi nito sa kanya: “Pakanin mo ang aking mga tupa.

18 Talagang-talagang sinasabi ko sa iyo, nang bata-bata ka pa, ikaw mismo ang nagbibigkis sa iyong sarili at palakad-lakad ka saan mo man naisin. Ngunit pagtanda mo’y ididipa mo naman ang mga kamay mo, at iba ang magbibigkis sa iyo sa hindi mo nais.” 19 Sinabi ito ni Jesus sa pagbibigay-tanda sa paraan ng kamatayang ipanluluwalhati ni Pedro sa Diyos. At pagkatapos nito ay sinabi niya: “Sumunod ka sa akin!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon   

+ + + + + + +
Repleksyon:
May isang nanay na palaging nag dadasal sa Diyos na sana ay lumaking mapagmahal at responsible ang kanyang mga anak. Nang lumaki na ang kanyang mga anak at sila ay nagkaroon ng kanya kanyang pamilya sila ay naging responsible, mabuti at mapagmahal sa kanilang magulang.  At ang kanilang nanay ay palaging nagpapasalamat sa Diyos dahil dininig niya ang kanyang mga panalagin para sa kanyang mga anak.

Palagi ka bang nagdadasal sa Panginoong Jesus na tulungan at gabayan ka niya pag may mga pangarap ka na gusto mong makamit?

Sa ating mabuting balita, ang mga alagad ni Jesus ay bumalik na sa kanilang dating trabaho bilang mga mangigisda. Kaya sila ay pumalaot at nangisda at marahil ay nalimutan na rin nila ang Panginoong Jesus. Dahil akala nila ay ang Panginoong Jesus ay hindi na nabuhay pang muli.   

Pero habang sila ay padating na galing sa pangigisda ay bigla nalag nilang nakita si Jesus sa dalampasigan na naghihintay sa kanila. Kaya sinabi ni Jesus sa kanila: “Mga bata, wala ba kayong isda?” Sumagot sila sa kanya: “Wala (Juan 21:5)! Kaya sinabi niya sa kanila: “Ihagis n’yo ang lambat sa bandang kanan ng bangka at ma-kakatagpo kayo.” Kaya inihagis nga nila at hindi na nila makayang hilahin iyon dahil sa dami ng isda (Juan 21:6).

Makikita natin ang milagrong ginawa ni Jesus sa buhay ng kanyang mga alagad na nangisda. Nang sila ay pumalaot na hindi kasama si Jesus ay wala silang nahuli. Pero nang nandoon na ang presensya ni Jesus ay marami na silang nahuling isda.

Ang ganitong pangyayari sa ating mabuting balita ay maaari rin nating mai-ugnay sa ating pang araw-araw na buhay. Pag tayo ay may ginawa na hindi tayo humihingi ng paggabay sa ating Panginoong Jesus ay walang mangyayari at walang patutunguhan ito.

Pero pag hiningi natin ang paggabay ng ating Panginoong Jesus ay siguradong makakamit natin ito. Sa dahilan na hiningi natin ang paggabay at tulong ng ating Panginoon.

Si Jesus ay buhay at siya ay muling nabuhay! Ang imposible sa atin ay palaging posible kay Jesus. Si Jesus ay nagbibigay ng pag-asa sa mga nawawalan na ng pagasa. Binibigyan ni Jesus ng direksyon ang buhay na walang direksyon. Ang kailagan lang nating gawin ay humingi tayo ng tulong at paggabay sa kanya. 

Palagi ka bang humihingi nga tulong at paggabay sa Diyos habang ikaw ay humaharap sa napakaraming hamon ng iyong buhay? -  Marino J. Dasmarinas

2 comments:

Bro F said...

great reflection Sir Mar. May God sustain you with your advocacy of providing daily Gospel reflections that inspire people to draw closer to Jesus....

Marino J. Dasmarinas said...

Thank you bro. franciz for your kind words. Include me in your prayers. God bless you!