Saturday, September 15, 2018

Ang Mabuting Balita para sa Setyembre 18; Martes: Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon: Lucas 7:11-17


Mabuting Balita: Lucas 7:11-17
11 Pagkatapos ay pumunta naman si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain at sinamahan siya ng kanyang mga alagad kasama ang mara­ming tao. 12 Ha­bang papalapit siya sa pintuan ng bayan, tamang-tama namang inilalabas ang isang patay – ang nag-iisang anak na lalaki ng kanyang ina, at ito’y isang biyuda kaya sinamahan siya ng di-kakaunting tao mula sa bayan. 13 Pag­kakita sa kanya, nahabag sa kanya ang Panginooon at sinabi: “Huwag ka nang umiyak.” 14 Luma­pit siya at hinipo ang kabaong; tumigil naman ang mga may­dala. At sinabi niya: “Binata, iniuutos ko sa iyo, buma­ngon ka!” 15 Umupo nga ang patay at nagsimulang magsalita; at ibi­nigay siya ni Jesus sa kanyang ina. 16 Na­sindak ang lahat at nagpuri sa Diyos, at sinabi: “Lumitaw sa atin ang isang daki­lang propeta at dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan.” 17 Kayat kumalat ang balitang ito tungkol sa kanya sa buong lupain ng mga Judio at sa lahat ng ka­ra­tig na lupain.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon

No comments: